Sunday, July 10, 2016

KILALANIN: Celebrity housemates ng 'PBB Lucky 7' kumpleto na


VIETNAM - Pasado ala una ng umaga nang makarating sa Vietnam ang "Pinoy Big Brother" (PBB) celebrity housemates na sina Juan Karlos Labajo at Jinri Park matapos silang magka-problema sa immigration.

"Parang something's not right kasi wala namang nagsabi na punta ka sa airport tapos uuwi ka rin pala. Nagkaroon lang po ng problema sa paperworks pero naasikaso naman po nila," ani Labajo. Paliwanag naman ni Park: "I'm Korean so I have a Korean passport and they were looking for my immigration card para they know I'm working professionally here in the Philippines. Of course, I didn't know naman na we're going out of the country so hindi ko dala." Kasama rin nilang na-hold sa immigration ang hunk housemate na si Hideo Muraoka. Brazilian-Japanese si Muraoka na nagtatrabaho bilang fashion model at entrepreneur sa Pilipinas.


Dahil sa kanyang work status ay hinanapan rin siya ng visa. "I've been here for about almost five years now and Manila is my home base now. At first, I was curious to see but family said to go try it." Ang mahasa sa wikang Filipino ang isa sa mga goals ni Muraoka sa loob ng "Big Brother" house lalo pa't makakasama niya si Nonong Ballinan isang komedyante na unang sumikat sa "Funny Juan" segment ng "It's Showtime." Kasama rin nila ang teen star na si Elisse Joson na kamakailan ay nakilala sa isang television commercial ng fastfood chain, at si radio host DJ Chacha. Sila ang kukumpleto sa siyam na housemates sa celebrity edition ng "PBB Lucky Season 7."

No comments:

Post a Comment