Sunday, July 10, 2016

3 bayan sa Zambales, binaha dahil sa habagat


Patuloy ang pag-ulan sa Zambales dahil sa epekto ng habagat, Linggo. Nakaranas ng pagbaha ang mga bayan ng San Antonio, San Narciso at San Felipe. Hindi madaanan ng light vehicles ang Barangay Alusis sa San Narciso dahil sa lagpastuhod na baha.


Nananatili naman sa evacuation center ang 200 residenteng lumikas mula sa San Narciso at San Felipe. Patuloy ang paghahanda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Zambales sa posibleng pagtaas pa ng tubig sa mga lugar na apektado ng mga pag-ulan.

No comments:

Post a Comment